HATAW ang Bulacan at Caloocan sa magkahiwalay na laro sa Community Basketball Association (CBA) Pilipinas Founder’s Cup nitong Linggo sa Gapan City Gymnasium.
Ginapi ng Bulacan ang Valenzuela, 89-83, habang pinataob ng Caloocan ang Novo Ecijano, 104-97.
Humarurot ang Bulacan, sa pangunguna ni leading scorer Marlon Monte, sa 28 puntos na kalamanga matapos ang tatlong period at hindi nanagawang mapantayan ng Valenzuela sa kabila ng impresibong 18-0 run sa fourth period.
Naisalpak ni Monte ang krusyal na three-pointer para tuldukan ang panalo ng Heroes sa 87-78 bentahe may 1:06 ang nalalabi sa laro.
Kumasa sina Monte at Alexander Mohammad ng tig-14 puntos para sa Bulacan.
Nanguna si Floyd Dedicatoria sa Valenzuela na may 22 puntos at 12 rebounds.
Sa main game, umarangkada ang Saints sa 15 puntos na bentahe sa first quarter para daigin ang Defenders.
Nanguna si Junjie Mallare sa Saints na may 24 puntos, pitong rebounds, at dalawang assists.
Kumasa naman si Jess Pedrosa na may 18 markers, anim na boards, at dalawang assist sa Novo Ecijano.
Iskor:
(Unang Laro)
Bulacan (89)-Monte 14, Mohammad 14, Pama 12, Velchez 10, De Mesa 8, Yasa 8, Gozum 7, Doroteo 5, Magbanua 5, Salamat 4, Dela Cruz 2, Necio 0, Sabalza 0
Valenzuela (83)-Dedicatoria 22, Rivera 14, Martinez 13, Gimpayan 12, Diego 6, Lacamento 5, Kalaw 4, Bernardo 4, Pastrana 2, Dela Cruz 1, Viana 0
Quarterscores: 25-14, 52-33, 79-51, 89-83
(Ikalawang Laro)
Caloocan (104)-Hallare 24, Tiquia 20, Lunor 16, Decano 12, Manacho 8, Rivera 6, Santos 6, Palencia 4, Fontanilla 2, Pangan 2, Fuentes 2, Principe 2
Novo Ecijano (97)-Pedrosa 18, Jejilos 14, De Guzman 11, Cabigao 10, Ferreria 10, Reyes 10, Baldeh 5, Poblete 4, Cudal 4, Lucas 3, Tolentino 3, Santos 3, Jomento 2, Corpuz 0, Villamayor 0
Quarterscores: 30-15, 59-42, 86-71, 104-97
-Ernest Hernandez