Inaresto ng mga awtoridad ang leader ng isang drug syndicate, na iniulat na may koneksiyon sa mga narco-politicians sa Metro Manila, sa raid sa Sampaloc, Maynila, ngayong Lunes ng madaling araw.

APARTMENT _ONLINE

Kinilala ang naaresto na si Porferio Pementera, ang umano’y leader ng Pementera criminal syndicate na nag-o-operate sa Maynila at Quezon City.

Naaresto rin ang umano’y miyembro ng sindikato na si Orlando Naguinlin at barangay security officer na si Joseph dela Cruz, na dinampot dahil sa umano’y tangkang pagpigil sa raid sa 1817-C Algostro Building, Simoun Street, Barangay 484, Zone 48, Sampaloc, dakong 1:00 ng madaling araw.

Ayon kay Police Maj. Gen. Guillermo Eleazar, director ng National Capital Region Police Office (NCRPO), nag-ugat ang operasyon sa report hinggil sa operasyon at hideout ng grupo.

Metro

Nasunog na landfill sa Navotas, 'di pagmamay-ari ng LGU—CDRRMO

Nasamsam sa operasyon ang P3.5 milyong halaga ng shabu, isang handheld radio, at drug paraphernalia.

"This group is connected to local narco-politicians including a barangay councilor who was killed in a police operation last month," ani Eleazar.

Tinutukoy ni Eleazar si Barangay 561 councilor Ronnie Labongray, na napatay matapos umanong tangkaing barilin ang mga pulis noong Marso 28.

"Furthermore, they are also connected to high value target ninja cops engaged in drug trading activities particularly Jolly Aliangan, who is currently detained in City Jail," ayon kay Eleazar.

Kinumpirma rin ng NCRPO chief na isang barangay chairman, na nagmamay-ari ng apartment, ay kakasuhan.

Ito ay nang malaman na ang barangay chairman ay kabilang sa narco-list ni Pangulong Duterte.

"We will be filing appropriate charges for this barangay official to be dismissed from his current post," sambit ni Eleazar.

Ang mga naarestong suspek at ang mga narekober na ebidensiya ay gagawing ebidensiya sa mga kasong isasampa laban sa mga suspek.

Samantala, ang barangay security officer ay kakasuhan ng obstruction of justice.

"The source of illegal drugs is currently being traced," ayon kay Eleazar.

-Aaron Recuenco at Mary Ann Santiago