NAKAPAGTALA ng bagong record ang K-pop girl group na BLACKPINK sa YouTube dahil sa bagong music video ng new single nilang Kill This Love.

BLACKPINK

Batay sa official count ng platform, nakalikom ang Kill This Love MV ng 56.7 million views sa unang 24 oras mula nang ilabas nitong April 5, at naungusan nito ang thank u, next ni Ariana Grande (55.4 million views) para sa biggest music video debut of all time.

Ito rin ang personal best ng BLACKPINK dahil nalagpasan nila ang naitalang record ng DDU-DU DDU-DU na inilabas noong June 15, 2018 na may 36.2 million views sa debut.

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

Ayon sa YouTube, dahil sa bagong record, ang top 10 most viewed MVs sa unang 24 oras sa kasaysayan ay:

  1. BLACKPINK – Kill This Love M/V – 56.7 million
  2. Ariana Grande – thank u, next – 55.4 million
  3. BTSIDOL Official MV – 45.9 million
  4. Taylor SwiftLook What You Made Me Do – 43.2 million
  5. EminemKillshot – 38.1 million
  6. BLACKPINK – DDU-DU DDU-DU M/V – 36.2 million
  7. PSYGENTLEMAN M/V – 36 million
  8. BTS – FAKE LOVE Official MV – 35.9 million
  9. TWICE - YES or YES’ M/V – 31.4 million
  10. Nicky Jam x J. BalvinX (EQUIS) | Video Oficial | Prod. AfroBros & Jeon – 29.7 million

-JONATHAN HICAP