Certified blockbuster ang "Eerie".
Word of mouth ngayon ang Eerie kaya naman maganda na ang resulta nito sa takilya, at sa apat na araw na ipinalabas ito ay kumita na kaagad ng P40 milyon nationwide. Kung tutuusin, maliit ito para sa record ng Star Cinema sa dalawang bida ng pelikula na sina Bea Alonzo at Ms Charo Santos-Concio, na idinirek ni Mikhail Red.
At sa huling balita ng ABS-CBN, nasa P102 milyon na ang kinita ng Eerie nitong Biyernes.
Kaya ang post ng taga-Star Cinema: “mEERIEming mEERIEming salamat po sa lahat ng nanood at pinag-uusapan at nanonood muli ng #EERIE! #EERIEWeekend #EERIEhigherfasterstronger.”
Sa tingin namin mag-aabot pa ang showing ng Eerie at ng dalawang local film na magbubukas sa Abril 10, ang Stranded ng Regal Entertainment, at ang Last Fool Show mula sa Star Cinema, N2 at Emba Productions. Magtutulung-tulong silang kalabanin ang foreign blockbuster na Hell Boy.
Reggee Bonoan