WALANG bakas na sumailalim sa open heart surgery, kidney cancer at traumatic depression dahil balik na sa tiptop condition si Mr. Pure Energy, Gary Valenciano.

Gary Valenciano copy

Paalis na si Gary next week to once again conquer America for a series of shows, titled He’s Back: Gary V US Tour.

Sasamahan si Gary nina Fearless Diva Jona at ni Suklay Diva Katrina Velarde, habang si Mon Faustino ang kanyang musical director.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Ang unang leg ng tour ay magsisimula sa April 12 sa Sam’s Town Hotel & Casino sa Las Vegas, susundan ito ng mga shows sa The Town Hall sa New York City on April 14, sa Creative Arts Building, Pittsburg High School sa Pittsburg, California on April 20; sa Saban Theater sa Los Angeles, California on April 21; sa Snoqualmic Casino sa Seattle sa April 26; at magtatapos ito sa Morongo Casino, Resort and Spa sa Morongo, sa April 28.

Pero bago umalis si Gary for the US, bilang pasasalamat sa lahat ng sumuporta sa kanyang pinagdaaang krisis, bumisita muna si Gary sa Ayala Trinoma para sa isang fans day, na ginanap sa ABS-CBN Studio Experience kahapon.

“I’m very excited to go back to the US a n d perform for everyone there,” sabi ng tuwang-tuwang si Gary sa harap ng entertainment media sa thanksgiving presscon na ginanap sa 38 Valencia Events Place ni Mother Lily Monteverde.

Hindi rin inisip ni Gary na walang manonood sa kanya pagkatapos nga ng mga pinagdaanan niya.

“I know they will come to see if kaya ko pang sumayaw,” nakangiting pahayag ni Gary. “I will show them na kaya ko pa ring sumayaw dahil ang feeling ko, mas malakas pa ako ngayon. I’m willing to take the challenge. We will not fail them.”

Kaugnay pa rin ng 35th anniversary celebration niya, naglilibot si Gary sa may 35 schools in Luzon para sa “ F a c e 2 F a c e ” , k u n g s a a n nagbibigay siya ng libreng inspirational talks at intimate mini-concert sa mga graduating college students.

“I wish to impart something inspiring and positive to the students who are about to enter a new chapter in their lives matapos nilang mag-graduate sa college,” dagdag pa ni Gary.

Ang He’s Back: Gary V US Tour ay joint production venture ng Manila Genesis at Starmedia Entertainment, sa pakikipagtulungan sa TFC at ABS-CBN.

-NORA V. CALDERON