MASUSUBUKAN kung may ibubuga sa bigtime boxing si dating WBO Oriental super featherweight at lightweight champion Anthony Marcial sa pagkasa jay Japan-based Brazilian Cristiano Aoqui bukas sa Korakuen Hall sa Tokyo, Japan.

Galing si Marcial sa limang sunod na panalo, 4 sa pamamagitan ng knockouts at umaasa siyang muling mapapalaban sa world ranked boxer makaraang matalo kay Filipino at dating IBO super featherweight champion Jack Asis via 3rd round TKO noong 2009.

Galing naman sa dalawang sunod na panalo via stoppages si Aoqui kina Duang Hongin ng Thailand at Filipino Joffrey Garcia kaya gusto niyang talunin si Marcial para mapalaban sa Japanese title bout.

May rekord si Aoqui na 13-7-2 na may 9 pagwawagi sa knockouts kumpara kay Marcial na may kartadang 24-3-1na may 22 panalo sa knockouts.

-Gilbert Espeña

Manny Pacquiao, nag-ceremonial first pitch sa gitgitan ng Yankees at Athletics