MAKAKAHARAP ng Philippine Sports Commission (PSC) Board ang mga opsiyal ng mga national sports association (NSA) gayundin ang mga atleta sa gaganaping General Assembly ngayon sa Philsports.

Nakatakda ang ispesyal na pagpupulong ganap na 9:00 ng umaga kung saan sentro ng usapin ang mga paghahanda sa nalalapit na SEA Games hosting, gayundin ang mga kaganapan para sa mas maaliwalas na pamumuhay ng mga atleta sa Philippine Team.

“Sa 2017 SEA Games, may mga bata na dapat nag increase ‘yung allowances. Nagkulang po kami dahil hindi agad ito nagawa. But we would like to announce na makukuha na ng mga atleta ‘yung kanilang mga pondo, medyo malaki ‘yun,” pahayag ni Ramirez.

Ayon sa PSC chief, na makakatanggap ang mga 2017 SEA Games medalists ng retroactive differential o karagdagan sa kanilang allowance buhat January 2018 hanggang May 15 ng kasalukuyang taon. Habang ang mga atleta na nagwagi naman ng medalya noong 2018 Asian games ay magkakaroon ng dagdag sa kanilang allowance buhat sa Oktubre 2018 hanggang May 15 ngayong taon.

“These money that will go directly to the pockets of each athlete. Certainly, this will inspire them to work very hard and know that the government is taking care of them, medyo nalate lang,” paliwanang ni Ramirez.

Manny Pacquiao, nag-ceremonial first pitch sa gitgitan ng Yankees at Athletics

Sinabi ni Ramirez na hinihikayat niya ang mga atleta na ituloy ang kanilang pagsasanay sa loob at labas ng bansa upang makasiguro ng magandang performance sa kanilang pagsabak sa nalalapit na biennial meet at sa Olympics.

“The PSC is committed to support all foreign training of all NSAs and all athletes. We are encouraging all athletes since January to take excellent foreign exposure and give us the assurance of good performance for the Southeast Asian Games and even to the Olympics,” pahayag ng PSC chief.

Siniguro rin ni Ramirez na kahit ang mga atleta na kabilang sa NSA na may problema sa liquidation ay magagwan ng paraan na makakuha ng pondo para sa kanilang training exposure.

“I encouraged them to proceed on training abroad, kahit yung may problema sa liquidation, gumawa kami ng green lane, ako na mageexplain sa COA,” aniya.

-Annie Abad