PUMALAG ang handler ni Moira dela Torre na si Mac Merla ng Cornerstone Entertainment, Inc. sa nasulat tungkol sa alaga niya na isa sa hurado ng Philippine Idol na nag-i-inarte at nagde-demand ng sariling hair and make-up artist, sariling aircon at dapat mabango ang holding area. Nabanggit na kung ano raw ang trato sa dalawang kasamang hurado na sina Regine Velasquez- Alcasid at James Reid ay dapat ganu’n din ang ibigay sa singer na nasa likod ng mga awiting Tagpuan, Sundo, Titibo-Tibo at marami pang iba.

Moira copy

Bungad paliwanag ni Mac sa amin kahapon, “hindi po totoo lahat ang nasulat kasi araw-araw nandoon ako as in araw-araw. Sino ba ‘yung source na sinasabi, dapat tsinek muna sa production kung totoo para may side. E, giliw na giliw nga ang mga taga-production kay Moira.

“Una, magkasama talaga sa dressing room sina Moira at Regine dahil close sila at ang tawag nga ni Moira kay Regine, ‘mama Regs.’

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Pangalawa, ako mismo ang hindi papayag kung magde-demand si Moira ng ganu’n, bakit? Kaya saan nakuha ‘yung ganu’n na nagde-demand? At iisa lang ang rest room naming lahat, walang ibang restroom para kay Regine o kung sinuman sa judges kasama na ang staff.

“Napaka-disciplinarian ko sa lahat ng artista ko, walang puwedeng mag-abuso sa lahat ng artista ko, hindi sila lalagpas sa akin, wala sa amin ang demanding at wala rin sa character ng alaga ko.

“Una, wala silang oras para mag-demand dahil ang taping ay magsisimula ng 10AM at matatapos ng 1AM kinabukasan. Ang break namin 30-40 minutes para kumain at matulog. Lahat sila pantay-pantay ang trato.

“Itataya ko ang bahay namin para sa katotohanan, kung merong isang porsiyento sa mga nasulat. Bakit malakas loob ko kasi hindi totoo, ni isang porsiyento walang totoo!”

Nabanggit pa ni Mac na sana hiningan din sila ng panig para naipagtanggol nila ang panig ni Moira.

“Nandiyan lang naman k a m i . Puwede namang magtanong muna bago isulat o kung talagang isusulat, sana kinuha side namin para balanse.

“ A n g g a n d a n g samahan ng mga tao sa set (Philippine Idol), lahat masaya at magaan ang taping.

“Kung isusulat mo ito (usapan), go ahead kasi gusto kong ilagay sa tama ang lahat. Dapat may media responsibility ang lahat (reporters),” pahayag pa ni Mac.

-REGGEE BONOAN