PALAISIPAN sa amin kung sino ang bagong karelasyon ng kilalang aktres, dahil plano pala siyang ligawan ng guwapitong aktor na miyembro ng sikat na dance group, pero hindi na itinuloy ng guy ang balak dahil nga “taken” na ang aktres.

Abut-abot ang tuksong inabot ng guwapitong aktor sa mga kapwa niya dancer. Ang bagal-bagal daw kasi niya, kaya ang ending naunahan na siya sa aktres.

Hindi naman binanggit sa amin ng isa sa miyembro ng dance group kung sino ang karelasyon ngayon ng kilalang aktres, dahil hindi pa rin naman ito umaamin.

Naisip tuloy namin, heto na naman si kilalang aktres na mahilig maglihim pagdating sa love life niya, tapos ang ending mabubuking din naman, dahil nahuhuli rin naman siya sa mga kilos niya, lalo na kapag kasama ang minamahal.

Blind Item

Tsinuging aktor sa serye nag-fly sung daw sa ibang bansa, may iniiwasang kaso?

Anyway, walang ka-love team ngayon ang kilalang aktres, dahil napaso siya sa huling itinambal sa kanya, na hindi naging maganda ang pagsasama nila.

-Reggee Bonoan