SINABI ng balik-telebisyong si Kaye Abad na bagamat pareho na silang based sa Cebu ngayon ng ex-boyfriend niyang si John Lloyd Cruz, never pa niya itong nakita sa nasabing probinsiya.

Kaye copy

“Ang liit lang ng Cebu pero up to now ay hindi pa kami nagkikita ni Lloyd,” sabi ni Kaye, tungkol sa dati niyang boyfriend at ka-love team, at gaya niya ay nagsimula rin sa Tabing Ilog.

Home-based si Kaye sa Cebu sapul nang mag-asawa at magka-baby. Sa Cebu na rin namalagi si John Lloyd kapiling ang kanyang special someone na si Ellen Adarna at ang baby boy nila.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Nakaka-miss katrabaho si Lloyd. Malalim siyang umarte at madadala ka emotionally,” sabi ni Kaye.

“Another actor na bilib akong umarte ay si Patrick Garcia. Yes, it would be fun kung magkakaroon ng reunion after twenty years ang Tabing Ilog,” dagdag niya.

Balik-teleserye si Kaye, na napanood at nag-trending kamakailan sa Nang Ngumiti Ang Langit. Dalangin ni Kaye na patuloy na tangkilikin ang nasabing teleserye ng ABS-CBN, kahit na maaga siyang mawawala roon, dahil mamamatay kaagad ang kanyang karakter.

-Remy Umerez