MAGSASAGAWA ng isang araw na seminar Ang Southeast Asia Regional Anti-Doping Organization katuwang Ang Philippine Sports Commission (PSC) at ng Philippine National Anti-Doping Organization sa Sabado ( Marso 30) sa PICC.
Tatalakayin sa nasabing seminar Ang kahalagahan ng patas at malinis na paglalaro at ang ‘Therapeutic Use Exemption’ o TUE.
"It aims to educate the national athletes, as well as coaches, doctors, sports psychologist, nutritionists and sports administrators of the principles of granting TUEs to athletes,” pahayag ni Project Director at PHI-NADO Board Member na si Dr. Alejandro Pineda.
Ayon sa World Anti-Doping Agency (WADA), naaayon ang proseso para sa TUE sakaling may kondisyon ang isang atleta na kung saan ay nangangailangan siya na gumamit ng isang partikular na gamot para dito.
Ang TUE ay maaring gamitin sakaling ang kinakailangang inumin ng isang atleta maging ito ay kabilang sa listahan ng mga ipinagbabawal na gamot ng WADA.
Pangungunahan ni Dr. Chin Sim Teoh, chairman Ng TUE Committee of Anti-Doping Singapore, ang pagsasalita sa naturang seminar.
Kasama rin sa magsasalita hinggil sa nasabing talakayin ay si Vice-Project Coordinator Dr. Marion Rivera.
“We thank SEA-RADO for opening up its doors and offering this TUE seminar for our Filipino sports community. This is a vital part of playing clean and fair that we need to be educated for,” ayon kay Pineda.
Naunanang nagsagawa ng tatlong araw na SEA-RADO Anti-Doping course na pinangunahan Ng PSC at PHI-NADO noong nakaraang Pebrero 18 hanggang 20, sa pamumuno ni PSC Chairman William Ramirez.
-Annie Abad