Arestado ang dalawang lalaki nang makumpiskahan ng tinatayang P725,000 halaga ng mga pekeng sigarilyo, na pawang isinakay sa van, sa Tondo, Maynila, nitong Miyerkules.

(kuha ni Czar Dancel)

(kuha ni Czar Dancel)

Kinilala ni Manila Police District (MPD) director, Police Brig. Gen. Vicente Danao, Jr. ang mga inaresto na sina Julito Octing, driver ng van; at Anthony Pano, pahinante.

Sa ulat ng MPD-Raxabago Police Station 1 (PS-1), naaresto ang dalawa sa Capulong Street sa Tondo, dakong 10:30 ng gabi.

Sen. JV Ejercito, inalala dakilang sakripisyo ni Hesus

Ayon kay Colonel Rolando Magdaluyo, station commander ng MPD-PS-1, isang buwan na nilang minamanmanan ang mga suspek na gumagamit umano ng iba’t ibang uri ng sasakyan upang hndi mahalata ang mga dalang produkto.

Nang matiyempuhan at makumpiskahan ng 14,500 kaha ng mga pekeng sigarilyo, agad na binitbit ang mga ito sa presinto.

Kakasuhan ang mga suspek sa paglabag sa RA 8293 (Intellectual Property Code), habang inaalam pa kung sino ang may-ari ng mga pekeng produkto.

-Mary Ann Santiago