Tatlong baby ang isinisilang sa Pilipinas bawat minuto!
Sa loob lang ng isang taon, aabot sa dalawang milyon ang nadagdag sa populasyon ng Pilipinas ngayong 2019—kaya inaasahang nasa 109 milyon na ang mga Pinoy pagsapit ng Disyembre.
Ito ang kinumpirma ng Commission on Population (POPCOM) sa Family Planning and Responsible Parenthood forum, sinabing batay sa datos, tatlong sanggol isinisilang kada minuto sa Pilipinas.
Sinabi ni POPCOM-National Capital Region Director Dr. Lydio Espanol Jr. na mula sa 107 milyon noong 2018, maaaring pumalo sa 109 milyon ang populasyon ng bansa sa pagtatapos ng kasalukuyang taon.
Malaking epekto, aniya, ang hindi maayos na family planning ng ilang pamilyang Pilipino, partikular na sa mahihirap.
Ayon kay Espanol, kapag mas marami ang anak, mas mataas din ang posibilidad na mahirapan sa buhay ang isang pamilya.
“Based on surveys, the average number of children in urban areas or cities is two but the actual is three. In rural areas, the desired number is three but the actual is five. So there is always unplanned pregnancies,” sabi ni Espanol.
“There are several studies available that shows that the more number of children in the family, the poorer those family will be,” dagdag pa niya.
-Beth Camia