Sugatan ang 13 katao sa salpukan ng anim na sasakyan sa Barangay Sto. Niño, Marikina City, nitong Miyerkules ng gabi.

KARAMBOLA_ONLINE

Isinugod sa Amang Rodriguez Medical Center sina Sherwin Santos, 27; Liezl Sumulong, 34; Maria Jericka Dheigh Sebastian, 35; Lito Yu, 31; Aldrin Jude Angara, 35; Michelle Escovel, 39; Manilyn Hitosis, 40; Mark Hitosis, 35; George Hitosis, 76; Jesus Luquias, 64; John Michael Aldea, 24; Renz Hernandez, 21; at Josue Abel Vallecera, 31.

Arestado naman at kakasuhan ng reckless imprudence resulting in multiple physical injuries and damage to property ang dump truck driver na si Anthony Donayre, 36.

Metro

Libreng sakay sa MRT-3, LRT-1, at LRT-2 ikakasa mula Abril 30-Mayo 3

Sa ulat ng Marikina City Police sa Eastern Police District (EPD), na pinamumunuan ni Police Brig. Gen. Christopher Tambungan, naganap ang karambola sa Sumulong Highway, kanto ng Gil Fernando Avenue, sa Bgy. Sto. Niño, dakong 8:40 ng gabi.

Bumibiyahe ang Foton mini dump truck (IO A380), na minamaneho ng suspek, sa south direction ng Gil Fernando Avenue habang binabagtas naman ng isang Nissan Urvan na ambulansiya (FOC 153) ang west direction ng Sumulong Highway.

Gayunman, pagsapit ng dalawang behikulo sa intersection ng Sumulong Highway kung saan pareho itong tatawid, biglang nabangga ng dump truck ang kanang bahagi ng ambulansiya.

Dahil sa pagkakabangga, nahagip ng ambulansiya ang isang tricycle (2296 NW); dalawang motorsiklo, na ang isa ay may plakang ND 19371; at isang Mitsubishi Montero (NIC 938), na pawang nakahinto sa traffic light at patungong east direction, bago ito tuluyang tumaob.

-Mary Ann Santiago