SA wakas, inamin na rin ng Kapamilya actress na si Heaven Peralejo na boyfriend na niya ang anak nina Pambansang Kamao Manny Pacquiao at Jinkee Pacquiao na si Jimuel Pacquiao. Parehong edad 19 ang dalawa.

JIMUELJIMUEL_HEAVEN

Si Heaven ay contract star ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN, at ex-housemate ng reality show Pinoy Big Brother Lucky 7 at pamangkin ng mga dating aktres na sina Rica at Paula Peralejo.

Ang pagiging born-again Christian nina Jimuel at Heaven ay isa lamang daw sa mga bagay na pinagkakasunduan nila.

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

Bungad ni Jimuel sa isang panayam, "Actually, church po ‘yung first naming labas-labas," ani Jimuel.

Dagdag ni Heaven, "Kasi parang ‘yun ang bonding namin every week. Nagtsi-church kami every week. Tapos after nu’n, dinner. Tapos hatid sa bahay."

Sang-ayon din ang dalawa na ang kanilang pagiging Christian ang isa sa mga nagpapatibay ng kanilang relasyon. Sey ng binatang Pacquiao, "Parang ‘yun ang most important thing, para right path po, dapat center si God."

Ayon pa sa panayam ni Dyan Castillejo sa magkasintahang Jimuel at Heaven, na umere sa TV Patrol, noong Martes ng gabi, March 26, ikinuwento ng young couple na una silang nagkakilala habang nagsa-shopping si Heaven at kanyang ina sa Greenbelt mall sa Makati City, noong April 2017.

Nagkataong namamasyal din noon si Jimuel at mga pinsan nito, na lumapit daw at nagpa-picture kay Heaven.

Isang taon daw ang lumipas at muling nagkrus ang landas nina Jimuel at Heaven sa parehong mall sa Makati.

Tandang-tanda pa raw nila na "same month" din iyon noong una silang nagkita. Doon na raw nagsimulang nagkakilanlan ang dalawa.

Ayon kay Jimuel, "Actually, nu’ng nag-meet kami, parang magka-vibes na kami. Marami kaming things in common, like, pagdating sa food, pati yung roller coasters, ganu’n, mahilig kaming dalawa."

Pareho raw silang "adventurous", giit ni Heaven.

Nagdesisyon daw silang umamin tungkol sa kanilang relasyon dahil gusto nilang maging tapat sa tao, ayon na rin daw sa turo sa kanilang church.

"’Yun din sinasabi ng parents ko na dapat be honest," masayang pahayag ni Jimuel.

-Ador V. Saluta