MATAGAL pa bago matapos ang isyu nina Gretchen Barretto at kakampi niyang si Claudine Barretto laban sa kapatid nilang si Marjorie Barretto. Siguro, hangga’t hindi pa naikakasal si Dani Barretto ay patuloy pa rin ang isyu ng magkakapatid.

GRETCHEN_

Sa interview nga ni MJ Felipe kay Gretchen na napakinggan sa DZMM, malinaw ang sagot ni Gretchen sa tanong ni MJ kung magkakabati sila ni Marjorie:

“May kasabihan na never say never. Pero kay Marjorie, allow me, gusto kong sabihing “never.” I value my life, my peace and my finances. I am not ready for Marjorie. She has been so toxic in my life.”

Tsika at Intriga

Anthony Jennings, nag-promote ng pelikula; isiniwalat kung sino sinasandalan sa problema

Oh, ‘di ba, tinuldukan na talaga ni Gretchen ang tyansa na magkakabati sila ng kapatid, na ina ni Dani na malapit nang ikasal. ‘Tila ito rin ang rason sa muling pagsiklab ng away nina Gretchen at Marjorie.

Nabanggit pa ni Gretchen na ang dapat maimbita sa kasal nina Dani at Xavi Panlilio ay sina Kier Legaspi (ama ni Dani), Dennis Padilla (naging stepdad ni Dani) at ang partner ni Gretchen na si Tony Boy Cojuangco dahil sabi ni Gretchen, “80 % of Dani’s life, tumira siya sa amin ni Tony Boy. Du’n sila nagkikita ni Kier. Dennis, tinuring niyang anak si Dani.”

Hiningian din ni MJ si Gretchen ng mensahe niya para kay Dani: “I hope one day you learn to see the brighter side of things. Instead of thanking that your mom only raised you, think and feel how many people love you. Not just me, there’s Claudine, Tony Boy, Papa Dennis and Kier, your dad. You are so blessed, so loved.”

Sa kanyang blog, sinabi ni Gretchen na kahit imbitahan siya sa wedding nina Dani at Xavi ay hindi siya dadalo, pati na rin siguro si Claudine.

Samantala, pinupuri si Marjorie ng netizens sa pagha-handle ng isyu nilang magkakapatid dahil hindi siya sumagot. Payo ng netizens ay dedmahin na lang niya ang mga sinasabi ni Gretchen at mag-focus sa paghahanda sa wedding ni Dani. “Thank you” at heart emojis lang ang reaction ni Marjorie.

-NITZ MIRALLES