Heads up, may aabangang serye—may mararanasang serye ng brownout ngayong linggo.

BROWNOUT

Nagkasa ang Manila Electric Company (Meralco) ng panibagong serye ng power interruptions ngayong linggo sa ilang lugar sa Luzon, partikular na sa Metro Manila at mga karatig na lalawigan, dahil sa mga nakakasang maintenance works.

Batay sa abiso ng Meralco, ang power interruption ay magsisimula bukas, Marso 25, at magtatagal hanggang sa Linggo, Marso 31.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kabilang sa mga apektadong lugar ang Maynila, Quezon City, Valenzuela City, Caloocan City, Las Piñas City, Marikina City, Taguig City, at Malabon City, gayundin ang ilang lugar sa Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.

Magsasagawa ang Meralco ng line reconductoring, paglilipat ng mga pasilidad, pagpapalit ng mga sirang poste ng kuryente, at iba pa.

Nilinaw naman ni Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga na hindi kakulangan sa supply ng kuryente ang dahilan ng power interruptions.

-Mary Ann Santiago