NAKUHANAN ng picture si Therese Malvar sa taping ng Inagaw Na Bituin na kapag break time ay nasa harap siya ng kanyang laptop at ginagawa ang kanyang school assignments.

Therese Malvar copy

Sa isa pang picture, nakaupo ang aktres sa harap ng salamin at inaayusan, pero nakaharap pa rin siya sa laptop computer at may hawak na papers. School works pa rin ang inaasikaso ni Therese, kaya natuwa ang netizens na nakakita sa dalawang litrato.

Sa isang interview kay Therese, nabanggit niya na kahit busy siya sa taping ng Inagaw Na Bituin ay hindi niya pababayaan ang kanyang pag-aaral. Naipangako pala niya sa kanyang mga magulang na tatapusin niya ang pag-aaral at hanggang kaya niya ay pagsasabayin niya ang studies at showbiz career.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

S a m a n t a l a , nababasa ni Therese ang comment s ng viewers tungkol sa pagganap niya sa Afternoon Prime ng GMA-7, kung saan ginagampanan niya ang role ng kontrabidang si Ariela.

Naha-high blood sa k a n y a a n g v i ewe r s kapag inaaway niya sina Kyline Alcantara at Melbelline Caluag, ang kapatid nito sa Inagaw Na Bituin. In fact, ang March 8 episode, kung saan ipinakita a n g c l i p n g pumalpak na pananabotahe niya kina Kyline at Melbelline, ay umabot sa one million ang views. Karamihan sa comments, galit kay Therese.

“Ini-expect ko nang magagalit sa akin ang viewers at hindi ako magagalit sa mga galit sa akin. Hindi r i n magiging rason ang galit ng viewers para hindi ko galingan ang pagkokontrabida,” pahayag ni Therese.

-Nitz Miralles