HANDA na ang Philippine National Women’s Rugby Team para sa pagsabak sa 30th Southeast Asian Games sa Nobyembre.

SERYE ng torneo para sa paghahanda ng Lady Volcanoes sa SEA Games

SERYE ng torneo para sa paghahanda ng Lady Volcanoes sa SEA Games

Sa pagtataguyod ng MVP Sports Foundation, Philippine Sports Commission at First Pacific, nakalinya sa Lady Volcanoes ang pagsabak sa torneo sa abroad upang higit na malinang ang kahandaan para sa matikas na pagtatapos sa biennial meet.

“The more competitions we play in. The better we are going to be prepared. Our domestic competitions are improving however international exposure allows our skills and abilities to be tested at the highest level” pahayag ni Acee San Juan.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

Makakaharap ng Team Philippines sa nakatakdang lahukang torneo na Borneo Sevens ngayond weekend sa Eagles Rugby Rugby Club sa Sandakan, Malaysia ang SEAG rivals Singapore at Malaysia.

“The Borneo Sevens is an international and invitational rugby tournament, where top teams throughout the world travel to compete. For both men’s and women’s, teams from Japan, Hong Kong, Australia, Russia and even Belgium compete in the tournament,” sambit ni Jake Letts ng Philippine Rugby Federation.

Mula sa matikas na training pool, napili na Lady Volcanoes ang 12 miyembro ng development pool na pawang bahagi ng koponan sa nakalipas na dalawang buwan. Piniling coach sa SEA Games sina Andy Brown, dating Jamaican National Sevens Coach.

“Coach Andy brings a wealth of experience, so we are lucky to have his leadership for the national women’s program” ayon kay Letts.

Masusubok ang Philippines sa Pearls Japan, Hong Kong Dragons, at Singapore Development Pool A sa Sabado, habang ang Finals ay sa Linggo matapos makuha ang seeding sa pagtatapos ng round robin pool play.

Matapos ang Borneo Sevens, lalahok ang Lady Volcanoes sa Asia Rugby Women’s Championships sa Hunyo, kasunod ang Trophy Series sa Agosto sa Indonesia at isa pang tournament sa Nobyembre bago ang opening sa SEA Games.

Target ng Lady Volcanoes na lagpasan ang bronze medal finish sa 2015 SEAG edition.

Ang 12 players na kasama sa Lady Volcanoes development ay sina Kaia Briela Padilla Baui, Leonor Casinillo Boroy, Alyana Ysabel Siongco Del Fierro, Aldee Faith Lyde Pielago Denuyo, Kaye Llanie Perez Honoras, Helena Roxanne Aguilar Indigne, Ma. Isabella Angeles Baltazar Nepumuceno, Aiumi Villarba Ono, Rassiel Adonis Sales, Maricar Villamor Samson, Angella Camille San Juan at Sylvia Selfaison Tudoc.