Finally! Ipinagmalaki ng Department of Transportation na malapit nang mag-season finale ang “init problems” sa mga tren ng MRT.

(kuha ni Mark Balmores)

(kuha ni Mark Balmores)

Ito ay dahil sa unti-unti nang nagdadatingan ang mga bagong air-conditioning unit na binili ng kagawaran upang ikabit sa mga tren ng MRT.

Sa paabiso ng DOTr, nabatid na sa ngayon ay 60 brand new air-con units na ang dumating at naikabit na rin sa mga tren ng MRT.

National

'Stop talking about me!' Padilla, dumepensa sa sinabing 'weak' ang kabataan

Aniya, may 18 pang air-con units na hinihintay ang DOTr upang makabitan ng bagong air-con ang lahat ng tren ng MRT.

“Malapit na pong mag-#SeasonFinale ang init problems natin sa MRT-3,” post ng DOTr sa social media. “WINTER IS COMING? Hindi! May mga BAGONG AIRCON lang na dumating.”

-Mary Ann Santiago