Inilabas na ng pamunuang Light Rail Manila Corporation (LRMC) ang schedule ng pansamantalang tigil-operasyon sa LRT-1 sa darating na Semana Santa.
Ayon sa anunsyo ng LRMC nitong Martes, Marso 17, ang nasabing pansamantalang service interruption ay magsisimula ng Huwebes Santo, Abril 2, hanggang sa Linggo ng Pagkabuhay, Abril 5.
Muling magbabalik sa normal na operasyon ang LRT-1 sa Lunes, Abril 6, kaya pinapayuhan ng LRMC ang mga pasahero na maiging planuhin ang kanilang mga biyahe.
Anila pa, layon ng tigil operasyong ito na magbigay daan sa maintenance, masusing inspeksyon, at mga kinakailangan system upgrades upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero.
Matatandaang inilatag na rin sa LRT-2 ang kanilang taunang pansamantalang tigil-operasyon noong Lunes, Marso 16.
MAKI-BALITA: 'Service interruption' ng LRT-2 inilatag na sa paghahanda sa Semana Santa