Maiimpluwensiyang personalidad—kabilang ang ilang hukom, celebrities, at maging mga miyembro ng media—ang sinasabing sangkot sa malawakang bentahan ng ilegal na droga sa bansa.

Director General Aaron N Aquino of Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) presents last November 27, 2017 at 08:00pm 11 drug personalities suspects arrested in Taguig Hotel - inside Room 609 in Seda Hotel, Bonifacio Global City buy-bust ₱387,000 worth of ecstasy, gamma hydroxybutyrate (GHB) -a dangerous drug and shabu confiscated last November 26, 2017. (Kevin Tristan Espiritu)

Director General Aaron N Aquino of Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) (kuha ni Kevin Tristan Espiritu)

Ito ang kinumpirma ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino, sinabing sangkot din sa kalakalan ng droga ang ilang huwes, prosecutor, celebrities, gayundin ang ilang miyembro ng media.

Dahil dito, nangangamba ang publiko na posibleng matulad sa Colombia ang bansa kapag hindi agad naresolba ang problema sa illegal drugs.

National

Kitty Duterte, ibinahagi latest na mensahe ni FPRRD sa kanilang pamilya

Gayunman, sinabi ng mga kritiko ng administrasyon na dapat ay alinsunod sa batas ang pagsasagawa ng operasyon laban sa mga isinasangkot sa ilegal na droga.

Aminado rin si Aquino na hindi kaya ng PDEA na sugpuin ang problema sa ilegal na droga sa bansa dahil kulang na kulang umano sila sa tauhan.

Paglilinaw ni Aquino, karamihan sa mga personalidad na nasa “watch list’’ ay pawang user at protector ng ipinagbabawal na gamot.

Kaugnay nito, isinasailalim pa ng PDEA sa validation ang mga personalidad na nasa narco-list.

"Once na may nakarating na report po sa amin, ito po ay isasama na namin sa watchlist. Mai-include ka na po sa watchlist," sabi ni Aquino.

Kapag nasa watchlist aniya, dapat munang i-validate  at kumpirmahin kung tama ang ulat na ipinadala sa kanilang ahensiya at kapag mali ay tatanggalin na sa watchlist ang isinuplong na personalidad.

-Chit Chavez at Jun Fabon