MAGKATUWANG na inilunsad ng Chinese Embassy at ng University of the Philippines nitong Lunes ang unang “China Book Center” sa UP Asian Center sa Diliman, Quezon City.

Ang bagong bukas na resource center sa UP ang unang center na inilaan para sa isang bansa sa Asya, pagbabahagi ni Dr. Joefe Santarita, dekana ng UP Asian Center Dean.

Nagpahayag naman ng tiwala si Chinese Embassy’s Chargé d’ Affaires Tan Qingsheng na ang pagbubukas ng isang Chinese Book Center sa UP ay makapagsusulong ng “good understanding” sa China ng mga Pilipinong mag-aaral.

“A lot of young people in the Philippines have never been to China. Their knowledge of China is limited or sometimes even biased under the influence of Western media,” pahayag niya sa kanyang talumpati sa seremonya.

Night Owl

Bakit Dapat Tumanggi ang Pilipinas sa Online na Pagboto

“I hope the China Book center will provide (them) with a window to a complete picture of China and give (them) an insight of China’s history, culture, and development,” dagdag pa niya, kasabay ng paghikayat sa mas maraming Pilipinong mag-aaral na magsilbing “ambassadors of friendship and cooperation” sa pagitan ng China at ng Pilipinas.

Matatagpuan ang book center sa ikalawang palapag ng GT-Toyota Asian Cultural Center sa Quezon City, laman nito ang hindi bababa sa 1,000 learning materials na nasa wikang Ingles, kabilang ang mga klasikong aklat at mga kontemporaryong proyekto sa China.

“This addition would most definitely give the students more materials, especially our China majors. This would also give them opportunity to engage the classical texts,” pahayag ni Santarita sa isang panayam.

Aniya, unang hiniling ng Chinese Embassy sa Maynila kung tatanggapin ng Asian Center ang donasyon ng nasa 100 hanggang 200 aklat na Chinese noong nakaraang taon.

Dahil na rin sa proyektong library expansion, nagkasundo ang magkabilang panig para sa pagtatayo ng isang book center.

“This is our intention because we believe that the Asian Center Library is the eye to the world and we want to encourage more people to come and do research. The library is much better right now because of this,” paliwanag ni Santarita.

PNA