Ang daan ni Danny “The King” Kingad papunta sa ONE Flyweight World Grand Prix ay maiiba matapos umatras ni Andrew Leone sa laban dahil sa injury.
Ngayon ay maghahanda si Kingad para kay Pancrase Flyweight World Champion Senzo Ikeda para sa unang round ng Grand Prix set ng ONE: A NEW ERA na gaganapin sa Ryogoku Kokugikan, Tokyo, Japan sa Marso 31.
Habang naghahanda para sa isang laban na may dalawang linggo na lamang na natitira ay maaaring mahirap para kay Kingad pero wala siyang problema dito at may tiwala siya sa sarili na matatalo niya ang bagong kalaban.
"I am ready for whoever ONE Championship puts in front of me,” sabi ni Kingad.
“I have trained hard and prepared well for the ONE Flyweight World Grand Prix, so I am confident that I can take on anyone in the tournament who stands in my way,” dagdag niya.
Hindi magiging madali ang laban lalo na sa karanasan ni Ikeda sa Pancrase kung saan kinalaban niya ang magagaling sa Japan.
Nanggaling siya sa isang panalo laban sa kapwa Hapon at ONE Flyweight World Grand Prix competitor na si Yuya “Little Piranha” Wakamatsu noong Pebrero.
“Senzo Ikeda is a talented competitor, and he has a lot of momentum behind him with four-straight wins, but I have faith in my capabilities and my skills,” sabi ni Kingad.
“I believe that I can put an end to that winning streak. My goal is to win this tournament. To do that, I will need to show my best in all of the matches, starting with this first one against Ikeda."
-ONE Championship