NASA Instagram Story ni Neil Arce ang photos sa birthday party na in-organize ng GF niyang si Angel Locsin.

Neil at Angel copy

Sa isang litrato, Neil was presented with a birthday cake na hawak ni Boy 2 Quizon at ang birthday message: “You deserve only the best. Happy Birthday to the sweetest person I know. Happy Birthday, my love! @neil_arce.”

Sa isa pang picture, ipinost ni Neil ang birthday gift sa kanya ni Angel na isang golf cart. Ang caption ni Neil: “Best birthday gift! @therealangellocsin.”

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Nakakatuwa ang comments ng netizens sa birthday gift ni Angel sa boyfriend. Yayamanin daw pala ang bida ng The General’s Daughter, dahil may pa-party na, may golf cart pa.

Tama rin naman ang isa pang nag-comment na hindi naman alam ng tao ang mga ibinibigay naman ni Neil kay Angel para mag-effort nang ganun ang aktres para rito.

Anyway, ang wish ng netizens, fans at shippers sa real love team nina Neil at Angel, maging sila na forever at sa kasal mauwi ang kanilang relasyon.

-Nitz Miralles