NAGPIRMAHAN ng kontrata ang GMA Pictures at Mic Test Entertainment para i-co-produced ang pelikulang Family History. Ang Mic Test ay pag-aari ni Michael V at ng misis niyang si Carol Bunagan. First co-production venture ito ng dalawang productions at mukhang masusundan pa.

Si Michael V. ang bida sa Family History, na siya rin ang sumulat ng script at ang direktor. Bale apat ang trabaho ni Michael V. sa nasabing pelikula, na pagtatambalan nila ni Dawn Zulueta. Hmmm, magkano kaya ang talent fee niya rito?

Sa May na raw ang playdate ng Family History, na mauunang ipalabas sa isa pang pelikula ng GMA Pictures, ang Kiko En Lala, na pinagbibidahan ni Super Tekla.

“I want to believe that history is being made today. Andaming FIRST sa movie na ‘to. First time ko to co-produce, first time ko to direct, first time ko to act with @dawnzulueta at marami pang iba,” post ni Michael V tungkol sa Family History.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

“Hindi ko ma-explain ‘yung energy and calmness na nasa atmosphere ng set today. I’m praying this would continue hanggang sa maipalabas ito at mapanood ninyo,” dagdag pa ng Bubble Gang star.

-Nitz Miralles