BAGO ipalabas sa commercial run ang Jesusa ni Sylvia Sanchez na idinirek ni Ronald Constantino at produced ng OEPM Productions, ay isinali muna ito sa Sinag Maynila: Sine Lokal, Pang Internasyonal na magsisimula sa Abril 3 handog ng Solar Entertainment, ni Mr. Wilson Tieng at ni Cannes Film Festival Best Director Brillante Mendoza.

Sylvia copy

Katuwiran ng isa sa supervising producer ng Jesusa na si Daddie Wowie ay naka-plano talaga na isali sa iba’t ibang film festival ang pelikula nina Sylvia Sanchez, Allen Dizon, Uno Santiago, Ynez Veneracion, Malu Barry, Mara Lopez at maraming iba pa.

“Ililibot muna namin ang movie sa mga film festival bago ang mismong playdate,” saad ni Daddie Wowie.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Excited naman ang buong Jesusa team sa pagbubukas ng ikalimang taon ng Sinag Maynila sa susunod na buwan.

Anyway, ang mapapanood na opening film sa film festival ay ang three-part omnibus film na Lakbayan na idinirek nina Brillante, Lav Diaz at National Artist for Film na si Kidlat Tahimik, na pawang mga awardee ng Berlin International Film Festival.

Magkakaroon ng Sinag Maynila forum sa Abril 6, Sabado, mula kina Joanne Goh, chairman ng Malaysia International Film Festival at Young-woo-Kim, programmer ng Busan International Film Festival, may Fellowship night ang Film Development Council of the Philippines (FDCP), screening at symposium ng environmental film hatid ng The Plastic Solution, Film Editing Workshop mula sa Edge Manila Creatives at screening ng Journey, Asian Three-Fold Mirror project ng Japan Foundation na idaraos naman sa Abril 8, Lunes, para sa closing ceremony ng festival.

Ang mga pelikulang kasama sa Sinag Maynila 2019 Gabi ng Parangal ay ang mga sumusunod: Sa Full length kabilang ang Akin ang Korona (The Crown is Mine) - Zig Dulay; Jesusa Ronald Carballo; Jino to Mari (Gino and Marie) – Joselito Altarejos; Pailalim (Underground) – Daniel Palacio at Persons of Interest Ralston Jover.

Ang short films naman ay, Bispera (Eve) - Ralph Quincena; Dana Jung John Rogers; Dude Pare Bro Lora Cerdan; Kilos Marjon Santos; Kiss Harlene Bautista; Marian Brian Patrick Lim; Memories of the Rising Sun Lawrence Fajardo; Nagmamahal Sal (Love Sal) – Jeff Subrabas; Ngiti ni Nazareno (The Smile of Nazareno) – Louie Ignacio; Panaghoy (Lamentation) Alvin Baloloy.

At ang documentaries, Andap (Flicker) – Calista Allyson at Roma Mangahas; At Home Arjanmar H. Rebeta, Entablado (The Stage) – Lie Rain Clemente at Nori Jane Isturis, Hope Spots Joseph Dominic Cruz, Hyatt: Mga Kuwento, Lihim at Katotohanan (Hyatt: Stories, Secrets and The Truth) –Jayvee Bucsit at Tata Pilo - Dexter Macaraeg.

Ang Sinag Maynila ay handog ng McDonalds at co-presented ng Nissan in partnership with FDCP in celebration of 100 Years of Philippine Cinema.

-REGGEE BONOAN