INUNA muna ni Tom Rodriguez ang mag-training ng boat race, dahil bahagi ito ng character niya bilang si Michael Chan sa bagong afternoon soap ng GMA 7 na Dragon Lady.

Tom at Janine copy

Bilang Michael, si Tom ay isang Filipino-Chinese na ayaw sanang makialam sa kanilang family business, pero kinailangan niyang gawin iyon para ma-prove na kaya niya. Siya ang magiging dahilan ng downfall ni Celestina Sanchez (Janine Gutierrez), na later on ay mamahalin niya.

Unang nakasama ni Tom si Janine sa two-day taping nila ng Magpakailanman, sa life story nina Wil Dasovich at Alodia Gosiengfiao last year. Pagkatapos noon, naging dream na ni Tom na muling makasama sa isang project si Janine dahil mahusay daw itong makipag-interact sa mga kasama nila kaya naging madali ang trabaho nila.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

“Kaya ngayon, excited na akong makaeksena siya dahil hindi pa kami nagkakasama sa taping,” kuwento ni Tom. “Magkakahiwalay pa ‘yung mga characters namin sa simula, plus una munang nag-tape iyong mga young characters namin sa pilot week. Kaya looking forward ako sa dire-diretso naming taping,” sabi ni Tom.

Hindi naman ikinaila ni Janine na fan siya ni Tom, at noong kasagsagan ng My Husband’s Lover, na pinagbidahan nina Tom, Carla Abellana, at Dennis Trillo in 2013, nagmamadali raw siyang umuuwi ng bahay para mapanood ang nasabing serye.

“Uy, grabe naman! Sobrang nakaka... to think na that was my first talagang heavy-drama role I did, and I owe that to Carla and Dennis for bringing those performances out of me,” overwhelmed na reaksiyon ni Tom.

“Kaya this time, it excited me even more to work with Janine, because I know that if they can be fan of other people’s work, then it means that they are collaborative people.

“And Janine is a collaborative person. Hindi siya madamot, she is a team player, hindi siya iyong gusto lamang siya ang mapansin. Kaya sana po ay subaybayan ninyo ang aming afternoon prime fantasy-drama, Mondays to Saturdays after ng Eat Bulaga,” sabi pa ni Tom.

-Nora V. Calderon