RANDOM ang naging takbo ng interview kamakailan ni Boy Abunda sa all-around actor na si Noni Buencamino sa Tonight With Boy Abunda.

Noni

Para sa mag-asawang Nonie at Sharmaine Buencamino, tapos na ang panahon ng pagluluksa sa pagkamatay ng kanilang anak. Kumportable na silang magbalik-tanaw sa pagpanaw ng kanilang anak na babae, na nag-suicide.

“Maraming itinago siya sa amin which led to depression and hurting herself. Dinaan niya sa pag-compose ng tula ang kanyang pinagdaanan,” kuwento ni Noni.

Relasyon at Hiwalayan

Caloy, nag-i love you agad kay Chloe kahit 10 days pa lang magka-talking stage

“Our daughter loves poetry We realized na mahalaga sa mga parents to always check the activities ng kanilang mga anak lalo na doon sa mga health issues.”

On the showbiz side, abala ngayon si Noni appearing in a musical DOM, or Dirty Old Musicals, na maririnig naman siyang umawit. Ang musical ay tungkol sa magkakaibigang nagtayo ng singing group at nagkahiwa-hiwalay due to personal problems.

Kasama rin si Noni sa blockbuster movie na Alone/Together nina Enrique Gil at Liza Soberano, in a brief pero markadong role

-REMY UMEREZ