NAKATANGGAP kami ng kopya ng programa ng Basketball Exhibition Game Team Pilipinas versus All Star Celebrities na ginanap sa Tacloban City nitong nakaraang Linggo, Marso 3.

Rayver copy

Base sa ipinadalang kopya ng fans ni Rayver Cruz ay kasama siya sa All Star Celebrities sa pangunguna nina Christopher de Leon, Joross Gamboa, Mark Herras, Jason Abalos, Matt Evans, Marco Alcaraz at Onyok Velasco.

Ang Team Pilipinas naman ay binubuo ng ilang senatorial candidates tulad nina Bem Noel, Bong Go, Sonny Angara, Joel Villanueva, Bato Dela Rosa, Gerry Boy Espina, Paul at Daza. Kasama rin sa grupo ang pangalan nina Ormoc City Mayor Richard Gomez at Waray Partylist Neil Montejo.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

May bayad ang nasabing exhibition game na P150 sa lower box at P100 sa upper box na mabibili sa EP Gas Station, Duptours Terminal, at Janet Apparel Store.

Walang nakalagay kung sino ang producer ng nasabing palaro.

Nagtataka ang fans ni Rayver kung bakit kasama ang pangalan niya, gayung wala naman daw offer na natanggap ang aktor para sa exhibition game na ito.

Ganoon din si Jason Abalos na nakitang nasa Sunday PinaSaya naman nitong Linggo rin.

Tinanong namin ang manager nina Joross at Marco na si Noel Ferrer tungkol dito, “yes kapatid, inimbita sila ni Senator Sonny Angara kaya nandoon sila. Wala ako ro’n kaya hindi ako alam sino pa ‘yung iba,” sagot sa amin.

Tinanong namin ang manager ni Rayver na si Albert Chua kung may nakarating na offer sa kanila at wala raw.

Baka naman kinonsider pero hindi natuloy ang offer? Pero sana, hindi inilagay ang pangalan ng aktor dahil baka isipin ng mga taga-Tacloban na hindi sumipot si Rayver at siya pa ang lalabas na masama.

Anyway, aliw ang supporters ng aktor dahil talagang sinusundan nila kung nasaan ang kanilang idolo dahil ang programang Studio 7 na napapanood ‘pag Linggo ng gabi ay hindi na sa studio ginagawa.

Ang kuwento sa amin, “lumalabas na po sila ng studio like sa Mall of Asia Arena, Centris at bukas po (Huwebes) sa Eastwood ang taping.”

Ginagawa raw ito ng Studio 7 para sa mga hindi nakakapunta sa GMA 7 kaya ang programa na mismo ang lumalapit sa tao.

Ang hosts ng Studio 7 ay sina Rayver, Mark Bautista, Christian Bautista, Julie Ann San Jose, Kyline Alcantara, Legaspi twins na sina Mavy at Cassy at maraming iba pa.

Speaking of Rayver, nakapagpahinga na siya dahil sa isang programa nalang muna siya habang binubuo pa ang susunod na teleseryeng para sa kanya.

-REGGEE BONOAN