HINDI pa tapos ang pangarap ng mga Pinoy cagers, sa sandaling magsara ang bintana ng PBA at iba pang commercial league. Bukas ang pintuan ng Community Basketball Association (CBA) bilang alternatibong liga sa mga players na nagnanais pa ring umangat sa sports.

Sa ganitong pananaw, nagkakaisa ang mga team owners at official ng CBA tulad nina Rinbert Galarde ng Malabon, Brian Tan ng Marikina, Atty. Bong Africa ng Nueva Ecija at Raymond Reyes ng Manila kung kaya’t bukas-palad nilang sinuportahan ang adhikain ng CBA.

Sa kanilang pagbisita sa lingguhang ‘Usapang Sports’ ng Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS) sa National Press Club sa Intramuros, ipinahayag ng apat ang kanilang pakikiisa sa adhikain ng basketbolistang Pinoy.

“As the country’s No. 1 sport, basketball is really the right vehicle to reach out to the youth and encourage them to lead a healthy, drug-free lifestyle,” pahayag ni Galarde sa sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC) at National Press Club (NPC).

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Hindi bago si Galarde, may-ari ng Arcegee Sportswear, sa pagtulong sa sports at sa kabataan na kanya ring kinakalinga sa Pinoy Youth Dreamers hanggang sa pagsabak nito sa international 3x3 tournament sa Vietnam sa nakalipas na taon.

Iginiit naman ni Tan, isa sa may-ari ng Marikina Sapateros team, na mas lumawak ang lugar para sa mga mahuhusay na players sa bansa sa pagkakabuo ng CBA.

“Madami pa tayong magagaling na players, pero hindi nabibigyan ng pagkakataon sa ibang malalaking liga. The CBA is their chance,” sambit ni Tan.

Ikinatuwan naman ni Africa, bumisita sa TOPS kasama sina MPBL Commissioner Kenneth Duremdes at CBA Operations head Beaujing Acot nitong Feb. 28, ang pagkabuo ng CBA at kasangga ang Nueva Ecija sa layunin nito.

“Sports help a lot in nation-building. It is a good vehicle to instill discipline and raise resposible citizens,” pahayag ni Africa.

“Sa CBA, excited na ang mga Novo Ecijanos na panoorin ang aming team, NE Defenders,” aniya.

Sinabi naman ni Reyes, assistant coach ng Manila Sausage Kings, na malaking bagay ang CBA para masanay at maihanda ang mga players sa kanilang pagpalaob sa PBA.

“We focus on our home-grown players. Although bago pa lang ang team, I am sure they will give their best anytime,” sambit ni Reyes.

Ang CBA ay isang community-based league na itinatag ni actor-director Carlo Maceda kasama si PBA legend Pido Jarencio bilang adviser.