April 13, 2026

Home BALITA National

Palasyo sa pagbulusok ng peso vs dolyar: 'Talagang maaaring mangyari dahil sa isyu sa Middle East'

Palasyo sa pagbulusok ng peso vs dolyar: 'Talagang maaaring mangyari dahil sa isyu sa Middle East'
Photo courtesy: RTVM/YT, Pexels


Tila inasahan na raw ng Malacañang na bababa ang halaga ng peso kontra dolyar, bunsod ng lumalalang tensyon sa pagitan ng mga bansa sa rehiyon ng Gitnang Silangan.

Sa isinagawang press briefing ng Presidential Communications Office (PCO) nitong Martes, Marso 10, sinabi ni PCO Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro na marahil ay ito raw ang “consequence” ng nasabing girian.

“Nakita po natin na ito ay talagang maaaring mangyari dahil sa nangyayari po na isyu sa Middle East, at mukhang ito po talaga ang consequence,” saad ni Usec. Castro.

National

Simula Abril 14: PBBM, ibinida ang malaking rollback sa presyo ng langis!


Anang press officer, may ugnayan na rin daw ang gobyerno ng Pilipinas at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) kaugnay sa nasabing isyu.

“Nadinig na rin po natin ang Bangko Sentral [ng Pilipinas (BSP)]patungkol po dito. Kung magtutuloy-tuloy po ito ay magkakaroon po talaga ng intervention—at ‘yan naman po ay sasang-ayunan din po ng pamahalaan,” anang press officer.

Matatandaang naitala ng peso ang isa na namang “all time low,” matapos pumalo ang palitan nito kontra dolyar sa halagang ₱59.500 noong Lunes, Marso 9.