HETO nga at kasusulat lang namin na sobrang busy ngayon si Tony Labrusca dahil sabay-sabay niyang tinatapos ang tatlong projects, pero may bago na naman pala siyang gagawin—at kasama pa niya ang nag-iisang Kris Aquino.

Kris at Tony copy

Palaisipan sa netizens kung anong project ang ipinost ni Kris sa kanyang Instagram nitong Huwebes ng gabi, kasama si Tony, na ‘tila kuha sa isang hotel na ang background ay dagat at pareho silang nakasuot ng pormal.

Nakatagilid ang aktor pero halatang siya, at si Kris naman ay nakaharap pero kay Tony nakatingin, at ‘tila nag-uusap sila.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

Caption ni Kris: “The night must end with me saying THANK YOU to @tony.labrusca. I was impressed with you in La Luna Sangre but you made it effortless for me to portray your mother today.

“I cannot say more except, you have my most sincere gratitude for making our 1 scene feel so REAL.”

Nakakaaliw ang followers ni Kris dahil may mga nagsabing bagay sila ni Tony, at kung another Glorious episode raw ba ito. Pero sinagot sila ng kilalang social media influencer: “Nanay niya po ako.”

Pero hindi pumayag si @raymundleyva: “Pretty mo, Ms Kris, not look like mother to Tony, only sister!”

Kaaliw ang mga komento na iisa lang ang ibig sabihin, bagay sina Tony at Kris, kaya masasabing may chemistry talaga ang aktor sa older women, gaya ng pumatok na tambalan nila ni Angel Aquino sa Glorious.

At nagpahayag naman ng tuwa ang mga nabasa naming komento na muli nilang mapapanood si Kris sa screen.

Sabi ni @shellywatches.ph: “@krisaquino wow Ms Kris I miss you on TV and on big screen so excited for this Waaaa I will save the date talaga with my amiga friends to watch this.”

Oo nga, ano nga bang project ito nina Ms Kris at Tony? Pati kami ay curious kung ano ito. Wala naman kaming nabalitaang may gagawin pala kayo. Hmmm…

-Reggee Bonoan