PAHULAAN kung sinu-sino ang makakasama ni Regine Velasquez bilang hurado sa reality show na Idol Philippines.

James Reid

Matatandaang nabanggit ni Regine sa presscon niya noong bumalik siya sa ABS-CBN na binigyan siya ng magandang offer at isa na rito ang maging hurado ng Idol Philippines.

Apat ang magiging hurado ng nasabing programa at matagal nang na-approve sina Vice Ganda at Sarah Geronimo at kamakailan lang namin nalamang si James Reid ang nag-iisang lalaking hurado sa nasabing programa.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Anyway, abangan sa TV Patrol mamayang gabi ang big revelation nang apat na hurado ng Idol Philippines.

May tsika na kaya itong Idol Philippines ang ibinigay na show kay James ay dahil hindi pa rin malinaw hanggang ngayon kung tuloy pa ang fantaserye nila ni Nadine Lustre.

Kung magiging abala si James sa Idol Philippines, paano na ang shooting ng Pedro Penduko?

“Ito munang ‘Idol Philippines’ ang uunahin ni James habang nagte-therapy siya,” sitsit sa amin ng taga-Viva.

Nagkaroon kasi ng aksidente si James habang nage-ensayo ng mga eksena niya sa pelikulang Pedro Penduko.

-REGGEE BONOAN