MABILIS na kumalat ang balitang baka gumawa ng pelikula sina Alden Richards at Kathryn Bernardo. Ang sabi pa, ang Star Cinema ang producer ng movie at si Cathy Garcia-Molina ang direktor.

Kathryn at Alden

Wala pang kumpirmasyon sa dalawang kampo, pero kung ibabatay sa feedback ng netizens, gusto nilang matuloy ang pelikulang pagtatambalan nina Alden at Kathryn para ibang tambalan naman daw ang kanilang mapanood.

May nag-comment pa na bagay sina Alden at Kathryn dahil kung mestiso si Alden, morena naman si Kathryn, maganda raw ang magiging rehistro nila sa screen.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Pero kung may excited at natutuwa na magkakasama sa pelikula sina Alden at Kathryn, may nega reaction din. Sila ‘yung fans na ayaw mapareha sa iba sina Alden at Kathryn at nakakatawa ang kanilang mga rason.

Anyway, sana nga ay matuloy ang pelikulang pagsasamahan nina Alden at Kathryn para ibang taste naman ang mapanood ng moviegoers.

-NITZ MIRALLES