OPEN na talaga sina Cavite Vice Governor Jolo Revilla at girlfriend niyang si Angelica Alita sa kanilang relasyon dahil magkasama silang nanood ng MPBL basketball at nakatabi pa nila si Sen. Manny Pacquiao.

Sen. Manny, Angelica at Jolo copy

Kita sa mga ngiti nina Jolo at Angelica na masaya sila sa piling ng isa’t isa.

Caption pa nga ni Angelica sa picture nila nina Jolo at Sen. Manny: “My face says exactly how my day went yesterday. Really enjoyed watching MPBL with my @jolo_revilla and the Pambansang Kamao, Sen. @mannypacquiao.”

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

Ayan na, “my Jolo” ang tawag ni Angelica kay Jolo, wala nang makakaagaw sa kanya sa boyfriend.

Ang hintayin na lang natin ay kung kailan sila magpapakasal. Tanggap na rin naman nina Bong Revilla at Bacoor Mayor Lani Mercado at ng anak ni Jolo na si Gab ang kanyang GF.

-Nitz Miralles