Usap-usapan ngayon sa social media ang sinasabing pagmumura ni Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin Jr. sa kanyang tweet kahapon tungkol sa pangangailangan ng birth certificate sa pagre-renew ng pasaporte.

LOCSIN

“Hindi. P***ng*na. Not for passport renewal. If anyone asks you, tell me who and I will fucking kill him/her,” tweet ng account name na Teddy Locsin Jr. (@teddyboylocsin).

Ito ang naging sagot umano ng kalihim sa tanong ng netizen na si Joza Banting (@superjoza88): “Sir @teddyboylocsin kailangan pa rin ba ng birth certificate ‘pag nagpa-renew ng passport?”

Eleksyon

Ogie Diaz, may blind item sa kandidatong mamimigay ng 'pork barrel' pag nanalo

Nabatid na umabot na sa 64 ang retweets at 361 ang likes sa nasabing post habang isinusulat ang balitang ito.

Hindi naman naging maganda ang reaksiyon ng ilang concerned na retired at career officials ng DFA, na nagsabing “undiplomatic”, “rude”, at “deplorable” ang ilang social media post ni Locsin.

“Bastos, and very unbecoming of a diplomat,” sabi ng isang retiradong opisyal ng DFA na tumangging pangalanan.

Noong nakaraang buwan, nag-tweet din si Locsin tungkol sa banta niyang magsasagawa ng “autopsy” sa mga nasa likod ng passport data breach.

“I will autopsy the yellows who did the passports deal alive. This is called evisceration,” tweet ni Locsin, tinukoy ang mga taong malapit sa nakalipas na administrasyon.

Kalaunan, inamin mismo ng kalihim na walang nangyaring data breach sa mga pasaporte.

-Bella Gamotea at Roy Mabasa