Natagpuan ng mga awtoridad ang nakakalat na kalansay ng isang babae sa bulubunduking bayan ng San Juan, Ilocos Sur, kahapon.

Ayon sa San Juan Municipal Police, malaki ang posibilidad na ang biyudang si Lorenza Talania, 66, ang nasabing kalansay na natagpuang ikinakalat ng mga aso sa kagubatan ng Barangay San Isidro.

Sa ulat, naiulat na nawawala si Talania sa hindi pa matukoy na dahilan, nitong Enero 8.

Natagpuan din sa lugar ang damit na suot ng matanda nang huli itong makitang buhay.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang insidente upang madetermina ang sanhi ng pagkasawi ni Talania.

-Liezle Basa Iñigo