PAREHONG dumalo sa Jack Em Popoy: The Puliscredibles appreciation dinner ang rumored sweethearts na sina Arjo Atayde at Maine Mendoza nitong Sabado, sa Trellis Manila Restaurant sa Mother Ignacia, Quezon City.

Maine at Arjo only

Nakita namin ang Instagram post ng Dreamscape Entertainment PR head na si Eric John Salut bandang 9:00 ng gabi na nagpakuha ng larawan sina Arjo at Maine, kasama si Direk Michael Tuviera.

Sinundan pa ito ng IG post ni Coco Martin na may video ng pagdating ng ilang cast ng JEP, minus Vic Sotto.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Walang nabanggit sa IG Story kung sabay dumating sina Arjo at Maine, pero may mga nakakitang magkasabay sila at sa kotse ng aktor bumaba ang aktres. Well, hindi na bago ito, dahil sinusundo nga ni Arjo si Maine pagkatapos ng Eat Bulaga, eh.

Iisa ang tanong ng bayan, kailan naman aamin o magsasalita si Maine tungkol sa kanila ni Arjo?

“Wala naman po kasing nagtatanong o nakakausap si Maine na reporter, kaya paano siya magsasalita? Pero lahat ng nakapaligid sa kanya ay alam na sila na, exclusively dating na sila ni Arjo,” pahayag ng taong malapit sa dalaga.

Tama rin naman. Sa ginanap na JEP appreciation dinner ay wala namang imbitadong taga-media.

Hmm, baka sa gaganaping Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation Box Office Entertainment Awards night sa March 24 ay makausap na si Maine, dahil tatanggap siya ng award bilang Box Office Queen para sa Jack Em Popoy: The Puliscredibles.

Anyway, base rin sa litratong kuha kina Arjo at Maine sa appreciaton dinner, kapwa ang ganda ng ngiti nila, at halatang parehong in love. Kaya wala nang kokontra!

-REGGEE BONOAN