Aminado ang pamunuan ng Department of Trade and Industry (DTI) na mas mataas ang presyo ng manok sa mga palengke kumpara sa mga supermarket o groceries.

MANOK

Sa report, aabot sa P150-P155 ang bawat kilo ng manok sa mga palengke, na malayo sa suggested retail price na P125 kada kilo.

Dahil dito, pinayuhan ni DTI Secretary Ramon Lopez ang publiko na bumili na lang ng manok sa grocery, kung saan umiiral ang SRP.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Umapela naman ang DTI sa publiko na isumbong ang mga abusadong negosyante.

"Kapag may nahuli silang lumabag dapat ay kumpiskahin o i-cancel ang kanilang lisensiya. So puwede nilang obligahin ang kanilang supplier na ibaba ang presyo,” sabi ni Lopez.

-Beth Camia