SI Jerico Estregan ang second lead ni Ronnie Ricketts sa action-packed comeback movie ng huli na Exit Point. Ang pelikula ay tungkol sa buhay ng Filipino boxing champ na si Pancho Villa, at hudyat ng pagbabalik ni Ronnie sa showbiz.

Jerico Ejercito copy

Maganda ang exposure ni Jerico sa nasabing pelikula na produced ni Ronnie. Pagkatapos ng Exit Point, magbibida naman si Jericho sa pelikulang Alyas Ben Tumbling.

Ang ikalawang proyekto ay true-to-life story ng notorious criminal na si Benjamin Garcia, alyas “Ben Tumbling”, na napatay ng Malabon City Police noong March 13, 1981.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

Matagal nang tapos na ang shooting ng Alyas Ben Tumbling, pero ayon kay Jerico, nagpasya ang kanyang amang si dating Laguna Governor ER Ejercito na magkaroon ng re-shoot at palitan ang cast. Kaya matatagalan pa ang pagpapalabas nito sa mga sinehan.

Matatandaang kumandidato si Jerico bilang gobernador ng Laguna noong 2016, at nakalaban pa nga ang kanyang ama sa parehong posisyon.

Nang matapos ang bilangan, mas mataas pa ang bilang ng mga botong nakuha ni Jerico kesa kay ER. Pero may paliwanag siya tungkol sa nangyari.

“Back in 2016, my name is in the ballot also. I withdrew my candidacy but my name was not removed from the ballot. That’s why na-confuse ‘yung mga tao. Na-confuse sila kasi we have familiar names.

“’Yung dad ko, ang screen name niya is Jorge Estregan, Jr. My real name is Jorge Antonio Genaro Ejercito. Tapos ang tingin nila, Jorge and Emilio ay iisang tao lang. Sa pagkakaalam ng mga tao, basta Ejercito, ‘yun ang lalagyan nila ng shade. Basta ang tumatak sa kanila, ‘yung last name.

“Pero mataas pa rin ang mga boto sa akin, mga 300,000 votes,” sabi ni Jerico.

Sa gulang na 26,wala sa plano ni Jerico na pumasok sa pulitika sa ngayon, dahil tinatapos niya ang thesis niya para sa kanyang master’s degree sa De La Salle University.

Gusto rin niyang mag-concentrate sa kanyang showbiz career, at bilang head coach ng Nike Run Club.

Ang nakatatandang kapatid ni Jerico na si John Paul Ejercito ang kumakandidato para alkalde ng Pagsanjan, Laguna.

Running mate ni John Paul ang kanilang ina na si Girlie Ejercito, ang dating aktres na si Maita Sanchez. Si Maita ang incumbent mayor ng Pagsanjan, pero kakandidato siyang bise alkalde sa May 13.

Habang muli namang kakandidato para gobernador si ER.

-Ador V. Saluta