HAPPY Valentine’s Day sa mga dear readers ng BALITA!

Dong for Flora Vida

Ang suwerte naman ng mga makakatanggap ng delivery ng Flora Vida ni Marian Rivera dahil tatlo sa kanila ang personal na pagsisilbihan ng guwapong magde-deliver ng orders.

“It’s coming up, roses for three special clients of Flora Vida by Marian. Dingdong! Who could possibly be at your door? Surprise!

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Dingdong Dantes will personally deliver the Flora Vida by Marian orders of some lucky customers on Valentine’s Day. Who knows, you might just be the lucky recipient of Flora Vida by Marian’s special treat. @floravidabymarian.

“Visit 222.floravidabymarian. com.”

Siguradong hindi tumanggi ang ever sweet na si Dingdong sa kanyang misisi sa naisip nitong special treat sa tatlong kliyente ni Marian. Tamang-tama naman na tapos nang mag-taping ni Dingdong ng action-drama series nila ni Dennis Trillo na Cain at Abel last Monday, kaya free na siyang sundin ang utos ni Marian.

Bukas, February 15, ang finale episode ng Cain at Abel, kaya huwag kalimutang panoorin ang magandang pagtatapos ng serye, pagkatapos ng mga pasabog na ginawa ng hindi magkakilalang magkapatid na sina Daniel (Dingdong) at Elias/Miguel (Dennis). Sa direksiyon nina Toto Natividad at Don Michael Perez, mapapanood ito after ng 24 Oras

-NORA V. CALDERON