VINZONS, Camarines Norte – Palaisipan pa rin sa mga awtoridad ang pagkakadiskubre nila sa isang kahon ng cocaine na lumulutang sa bahagi ng karagatan ng Vinzons, Camarines Norte, nitong Linggo ng umaga.

COCAINE

Sa report ng Vinzons Municipal Police, ang nasabing iligal na droga ay natagpuan ng mag-amang sina Alfredo Vega at Alfredo Vega, Jr., kapwa taga-Barangay Sula ng nasabing bayan, habang sila ay nangingisda sa bisinidad ng Quinamanucan Island, dakong 8:30 ng umaga.

Ang naturang kahon ay dinala ng mga ito sa kapitan nilang si Rosemarie Abogado.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Nang buksan, tumambad sa kanila ang nakabalot na puting pulbos, kaya’t ipinasya nilang i-turn over ito sa mga awtoridad sa kanilang bayan.

Kinumpirma namnan ng Provincial  Crime Laboratory office sa nabanggit na lalawigan na isa itong uri ng cocaine na tumitimbang ng 1,026.19 gramo at tinatayang aabot sa P5,438.807.00.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang kaso upang matukoy ang nasa likod ng tangkang pagpupuslit ng nasabing droga.

- JINKY LOU A. TABOR