NAPANOOD sa GMA-7 sina Iza Calzado at Karylle dahil pinalabas sa 24 Oras ang teaser ng Mystified, dahil ang direktor nito ay resident director ng Kapuso Network, si Mark Reyes. Dalawa rin sa cast, sina Diana Zubiri at Sunshine Dizon ang Kapuso talents.

Sunshine

Sa presscon ng bagong Afternoon Prime ng GMA-7, ang Inagaw na Bituin na isa siya sa mga bida, nabanggit ni Sunshine na ang pelikulang Mystified ay for streaming ang description at at ipalalabas na sa February 11. Mapapanood ang Mystified sa iflix sometime in March at lubos itong ikatutuwa ng fans ng original Sanggres ng Encantadia dahil after a long time, ngayon lang uli sila magkakasama.

Ma y halong f a n t a s y a t ma g i c ang Mystified, ibang-iba sa Inagaw na Bituin na drama series with music naman kung tawagin ni Direk Mark. Magkaibang karakter ang gagampanan ni Sunshine at dahil magaling siyang aktres, tiyak na magagampanan niya ito ng buong husay.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Bilang si Belinda Lopez-Sevilla sa Inagaw na Bituin, sikat na singer-actress ang role ni Sunshine at excited siya dahil kakanta siya rito. Hindi man siya singer ay maganda ang boses ng aktres at okay ang kinalabasan ng recording nila ni Angelika dela Cruz.

Sinagot ni Sunshine ang comment na kung nag-i-expect ba raw siya na matatapatan ng Inagaw na Bituin ang success ng Ika-6 Na Utos?

“Iba ang ‘Ika-6 Na Utos’ na nag-work dahil sa story. Ang Inagaw..., iba rin ang story at magagaling din ang cast. Bago ito at first time akong gaganap na singer-actress at kumanta ako. Hindi pumayag si Direk Mark ng ghost singer, ako talaga ang kumanta at original song ang ni-record ko,” kwento ni Sunshine.

Sa February 11 na ang pilot ng Inagaw na Bituin, hindi pa lang inanunsiyo ng GMA-7 ang time slot, kaya abangan na lang natin.

-NITZ MIRALLES