UMALIS si Maine Mendoza for New York last Tuesday evening para sa panibagong product na ie-endorse niya for MAC Cosmetics. Ito ay pagkatapos ng very successful na launching niya ng MAC lipstick, na siya mismo ang nagtimpla nang pumunta siya roon.

Matatandaan na nang ilabas ang lippie ni Maine ay within five minutes lang ay sold-out na ito, at kahit saang tindahang ito i-launch ay laging sold out.

Last January 25 nga ay tumanggap ng congratulatory note si Maine from her MAC family dahil sa success ng kanyang first #maineformac venture. Sinundan ito ng isang celebration. Noon pa sinabi ng manager ni Maine na si Rams David na may ie-endorse muli sa kanila si Maine, pero hindi pa niya sinabi kung kailan. Pero mukhang napaaga ang pagpapadala nila muli kay Maine sa New York naman this time.

Kasamang umalis ni Maine ang handler niyang si Michael Uycoco at si Nicole Tejano, MAC Cosmetics PR & Artist Relations. Sila rin ang kasama ni Maine nang una siyang pumunta sa MAC sa Toronto, Canada.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Wala pang details kung ano ang bagong cosmetics product ang ie-endorse ni Maine pero based sa Instagram Story ni Nicole, na lumilipad ang Philippine Airlines na may nakakabit na pic ng lipstick.

Wait na lang mga fans kung anong product ang next na ie-endorse sa kanila ni Maine.

-NORA V. CALDERON