ONE month old na ang baby nina Paolo Contis at LJ Reyes na si Summer Ayanna Contis. Finally, ipinakita na nina Paolo at LJ ang mukha ng baby nila.

LJ at baby summer

Ang biro tuloy ng netizens, hinintay munang makapag-pictorial si Baby Summer bago ipakita nina Paolo at LJ sa followers nila sa Instagram ang kanilang baby.

Post ni Paolo: “Kung Hei Fat Choi! Sorry ang lusog kasi nitong nasa picture eh! Happy 1st month to you, anak! Uwi ka nang maaga ha! Wag magpapagabi! Ano daw?? May gimik agad??”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Nag-post din si LJ ng ibang picture ni Baby Summer.

“Eto talaga ang pinili kong picture para kamukha ko siya! Happy 1st Month love!”

Kanya-kanyang comments ang netizens kung sino kina Paolo at LJ ang mas kamukha ni Baby Summer. May nagsasabing mas kamukha ni Paolo, pero mas marami ang nagsasabing mas kamukha ni LJ ang baby nila, lalo na at singkit din, nakuha ang pagiging Chinese ni LJ.

Samantala, may mga hindi pa rin maka-move on sa ginawa ni Paolo na pag-inom ng breast milk ni LJ para kay Baby Summer. May mga nandiri at may nag-akusa kay Paolo na OA at papansin, na tiyak na ‘pag nakarating sa aktor ay pagtatawanan lang nito.

-Nitz Miralles