NAKATATAK na sa isipan ng marami ang mapuwersa at hindi malilimutang pagganap ni Eula Valdez sa teleseryeng Pangako Sa ‘Yo.

Eula copy

“Nanliliit ako at nahihiya kung pinapanood ko ang aking sarili. Napaka-mean ko pala at marami ang namumuhi sa akin,” sabi ni Eula. “Wish ko lang ay huwag tularan ang karakter ko dahil it is only make-believe.”

Pero kung sa pagiging isang ina ang pag-uusapan, si Eula ang the best in the world sa paningin ng kanyang panganay na si Miguel.

Karina Bautista, PH navy reservist na

“Siya ang bida sa buhay ko,” sabi ni Miguel.

Achievement na maituturing na napalaki ni Eula nang maayos ang kanyang dalawang anak, mababait at may takot sa Diyos. Gayunpaman, patuloy niyang gagabayan ang mga ito hanggang sa magkaroon na sila ng kani-kanyang pamilya.

Naging malaking hamon para kay Eula ang pagsabayin ang pagtatrabaho at palakihin ang dalawa niyang anak.

“No regrets at happy ako sa kanilang pagiging supportive sa aking propesyon,” sabi ni Eula.

Buwelta naman ni Miguel—na pasadong-pasado nang maging artista: “Acting is her passion at there is no sign that she will slow down. She is my idol.”

Balik-teleserye si Eula sa The General’s Daughter where he gives another performance that will be hard to forget.

-REMY UMEREZ