Dalawang bomba ang sumabog sa Lanao del Norte nitong Martes ng hapon, kinumpirma ng militar.

Sa ganap na 4:35 ng hapon, naganap ang unang pagsabog sa tapat ng isang gasolinahan sa munisipalidad ng Lala, habang ang ikalawa ay sa likod ng municipal hall ng Kauswagan bandang 4:50 ng hapon.

Walang iniulat ng sugatan.

"Currently the PNP Explosive Ordnance Division were conducting investigation to determine the kind of explosive and identify culprits of the incident," pahayag ni Brig. Gen. Thomas Sedano, 2nd Mechanized Brigade Commander.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

"Everything is under control and we encourage everyone not to panic and exercise their right to vote," ani Maj. Gen. Roseller Murillo, 1st Infantry Division and Joint Task Force Zampelan (Zamboanga Peninsula, Lanao) Commander.

"Rest assured that the Tabak troopers and PNPs will respond to any eventualities that will emerge during and after the BOL election," dagdag niya.

-Francis T. Wakefield