LAST week of January ay napanood sa GMA Afternoon Prime series na Asawa Ko Karibal Ko ang karakter ni Rayver Cruz as Gavin, sa isang nakaaantig ng damdaming eksena kasama ang inang si Sarah (Alma Moreno).

RAYVER_

Sa serye, pinatay ni Venus (Thea Tolentino) si Sarah para mailihim kay Gavin ang tunay niyang pagkatao. Natagpuan ni Gavin na wala nang buhay ang ina kaya todo ang iyak niya, dahil hindi raw niya nailigtas ang ina sa kung sino ang pumatay dito.

That time, alam na ni Rayver kung ano ang sakit ng inang si Beth Cruz-Ilustre, dahil naipa-check-up na nila ito ni Rodjun Cruz. Pero inilihim nila kung ano ang talagang sakit nito, na pancreatic cancer, stage 4.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Pero hindi na pinalabas ng doktor ang kanilang ina, at tuluyan nang na-confine sa hospital. Until hindi na nila kayang maglihim sa ina at ang doktor na ang pinagsabi nila sa tunay na kalagayan nito.

Sa ibang mga kamag-anak at kaibigan, hindi nila ipinaalam ang sakit ni Beth, kaya nagulat sila na ganoon na pala kalubha ang sakit nito.

Pero kay Janine Gutierrez at sa ina nitong si Lotlot de Leon, ipinaalam ni Rayver ang tunay na sakit ng ina. Magkasama sa drama series sina Rayver at Lotlot, kaya sa eksenang namatay ang karakter ni Alma, nagkatinginan na lang daw ang dalawa dahil wala ngang ibang nakakaalam kung ano ang pinagdaraanan ni Rayver. Nag-breakdown kasi ang aktor sa eksenang iyon.

Hindi malilimutan ni Rayver nang pumanaw ang ina last February 2, at almost 5:00 am. May taping si Rayver maghapon at natuwa siya nang bandang 3:00 am ay tapos na siya. Without knowing na masama na pala ang lagay ng kanilang ina, na hindi lang sinabi agad ni Rodjun sa kanya dahil baka hindi siya makapagtrabaho.

Nang tawagan ni Rayver ang kuya niya para kumustahin ang ina, pinadiretso na siya ni Rodjun sa hospital.

Parang hinintay lang ni Beth si Rayver, dahil pagdating ng aktor ay huminga lang daw nang malalim ang ginang, nag-expire at tuluyan nang nag-flatline.

Hindi na rin nahintay ni Beth ang pagsilang ng kanyang first apo sa panganay niyang si Omar, na manganganak na sa February 7. Wala na rin si Beth sa kasal nina Rodjun at Diane Medina na nakatakda na sa December 2019.

Ngayong Miyerkules ng gabi ay last night ng wake ni Beth, at in-charge sa dinner ang GMA Network, na parehong contract stars sina Rayver at Rodjun.

Bukas, February 7, ang libing ni Beth sa Manila Memorial Park in Sucat, Parañaque.

Ipinaaabot ng pamunuan ng BALITA ang taos-pusong pakikiramay sa pamilya ni Beth Cruz-Ilustre.

-NORA V. CALDERON