MARTIN Nievera is first and foremost a well-known singer, talentong ipinamana sa kanya ng yumaong balladeer na si Bert Nievera. May ilang pelikula din siyang nagawa bilang bahagi ng love team nila noon ng kanyang ex-wife na si Pops Fernandez.

Martin copy

As he turns 57 years old today, February 5, naibida ni Martin ang offer sa kanya para muling lumabas sa pelikula. Dalawang movie projects ang inialok sa kanya.

“Nagulat ako at gusto nilang akong magpelikula, when everyone knows that I am not an actor,” kuwento ni Martin.

Tsika at Intriga

Habang si Maris namundok: Anthony, pumarty kasama ang Incognito stars

“I told them no pero they won’t take no for an answer. Wala na akong nagawa dahil pareho silang mga kaibigan ko,” dagdag ni Martin, na may Valentine’s Day concert with Lani Misalucha.

Sa maniwala kayo o hindi, non-speaking role ang comedy movie na inialok kay Martin with Ai Ai delas Alas at Pops sa cast.

“Can you imagine me not talking at all? Very challenging ‘yan para sa akin,” sabi ni Martin.

May ilang singer na nagtagumpay na pasukin ang pelikula. Let us see kung ano ang kapalarang naghihintay kay Martin kung sakali.

-REMY UMEREZ